Sunday, November 23, 2008

the power rangers!


I got this idea from anjoe while browsing his friendster profile. Oo nga naman para kaming power rangers (3 boys ang 2 girls) Let me introduce to you my friends and my co power rangers hahahaha...



***from left (click their names to view their friendster profile)

Paolo - mas kilala sa name na pao. I call him bunso kasi para talaga siyang bata (wala din kasi ko kapatid na lalake na mas bata sa akin puro kuya). Heartthrob ng floor though he doesn't take it as a complement (totoo ba?). Masasabi ko na half nerd (hahaha) minsan may i sha share na out of this world at kung mag kwento naku aabutin kayo ng 10 years...at isa pa..nakakatawa cya pag lasing!

Bianca - bianx sexy daw cya (o cya pagbigyan na) good thing kasama ko siya sa team (hoooray!!) Ms. Kikay ng team at muse (ng wave 78) din pala...siya yung tipo ng tao na pag niyaya mo laging game (kaya nga pag may lakad di ko na tinatanong kung sasama siya eh..hahaha) masaya kasama..akala mo lang maarte siya pero hindi...hindi rin corny at KJ..love you gerl!

Anjoe - ang dating ka love team ni bianx (hahaha) Joe Anthony sa totong buhay..may conclusion kami na may sarili siyang mundo kasi pag break bigla na lang nawawala..kaya minsan di na namin siya hinahanap (nililibot nya ata ang buong e-tel..hahaha) tahimik na tao pero laging game sa mga gimik...malalim na tao..feeling ko pag tahimik siya may iniisip siya na di mo kayang intindihin...

Roge - ako yun!

Woah - ang layo ng nick name sa name nya (diba Gerry?) siya na lang tanungin nyo bat nya nakuha yang name na yan...sa totoo lng akala ko di ko makakasundo tong tao na toh kasi parang ayaw nya makipag usap sa magandang tulad ko (bawal kumontra..blog ko toh!) laging absent sa gimik kasi may sariling mundo din...masarap kulitin kasi di napipikon.

Sila ang mga friends ko sa bagong mundo na pinasukan ko...though kami na lang ni Bianca laging magkasama nagkukulitan pa din kami sa outlook kasama ang ibang mga ka wave namin...nagpupuntahan pa din kami sa mga stations namin at sinabihan na kami ng TL namin dati na para kaming kabute.

Miss ko na yung kulitan namin sa learning lab..miss ko na ang pag ti trip sa isa't isa...

Guys! See you around....



No comments: