Lorminia V. Miranda also called "baby" by my mom and dad....
Ate baby as I always call her at ako pa ang bunso sa Miranda family...yes..may ate ako..dati..naalala ko ulit siya kanina kaya siguro di rin ako nakatulog...
Wala ko masyado memories from her kasi nga bata pako nun..and lumaki sya sa province...sa Pangasinan. We were too young nung naghiwalay kami..di kasi kaya ng parents ko palakihin ang 6 na anak (kahit na malayo ang mga agwat naming magkakapatid). Napilitan sila dalhin ang ate ko sa bae ko (lola sa panggalatok). Pag bakasyon or may time sila para dumalaw sa manila...ilang araw lang sila nag stay sa bahay...kaya bilang yung mga girl moments naming magkapatid.
I was 4 years old then...ng ma experience namin sa family ang pinaka tragic na pangyayari sa buhay naming lahat..at the early age di ko naiintindihan yung nangyayari..pero ngayon nasasaktan pa din ako pag naaalala ko yung time na yun...
One regular day para sa amin sa bahay...may biglang dumating na kamag anak which is very unusual..di kasi kami dalawin ng mga kamag anak sa probinsya...my tito told us that we need to go to Pangasinan..as in all of us...my mom having a very strong mother instinct asked "bakit nmn kailangan lahat pa kami uuwi? ano ba nangyari?" sabi ng tito ko may sakit daw si ate...still my mom confused..ayaw maniwala at nag start ng umiyak.. "ano sabihin mo na anong nangyari? may masama bang nangyari sa anak ko?".. sinabi ng tito ko na patay na nga daw ang ate ko..ayaw sabihin ang dahilan..di daw niya alam kaya kailangan daw umuwi na kami sa Pangasinan...
Gabing gabi na nang nakarating kami dun...as a kid.. *inosente pa ko nun* ..nagtataka ako bat ang daming tao sa bahay ng lola ko..ayaw sabihin ng nanay ko sa akin kung bakit...pagdungaw ko sa loob ng bahay..nakita ko yung ate ko..may tinusok na parang injection tapos kinuha yung mga natitira nyang likido sa katawan...(uso dun yung embalsamador ang napunta sa bahay) at pagsilip ko ulit..binibihisan na sya ng damit...nagtanong ako ulit kung alam ba ng ate na nandito kaming lahat para dalawin cya..iyak lang ang nasagot ng nanay ko.
Nakita ko na lang cya na nasa puting coffin na...bilang musmos...pinipilit ko syang gisingin "ate, ate, andito na ko...gising ka na..laro na tau..." inaalog ko yung lugar kung san cya nakalagay...niyakap ako ng nanay ko at umiyak ng umiyak.."nanay bat ayaw gumising ni ate, galit ba cya sa akin?" "hindi na cya gigising anak" ang nasagot ng nanay ko sabay yakap sa akin.
Siguro mga 11 years old na ko nung naintindihan ko yung buong kwento ng nangyari sa ate ko. Isang hapon sa probinsya..di pa uso ang kalan..kahoy ang ginagamit na pangluto at 3 o 4 pa lng ng hapon kung magluto ng hapunan. Inutusan ng lola ko ang ate ko na kumuha ng panggatong sa katapat ng maliit ng gubat malapit sa bahay nila. Walang nakapansin na isa sa mga malayong kamag anak namin (na isa daw addik) ang sumunod sa ate ko sa gubat na yun...
Nakita nila ang ate ko sa isang maliit na kanal nakabalot sa plastik (naiiyak na ko sa kwento ko) may butas ang ulo gaw ng 3 beses na pagpukpok ng bato dito, may laman na butil ng mga bayabas sa bibig...wala ng buhay. Oo na rape ang ate ko..sabi sa autopsy pinatay muna bago gawin ang masamang bagay na yun.
Nakulong ang may sala...sana nga daw masilya elektrika cya..kaso panahon ni Cory Aquino yun..tinanggal na nag death penalty, gusto ubusin ng mga magulang ko ang natitra naming ipon para ma silya elektrika cya..pero di n namin ginawa. kaso paglipas ng mahigit 10 taon na parole cya..mabait daw sa kulungan...gusto cya ipapatay ng nanay ko sa sakit na nararamdaman niya..pero natakot cya...gusto cya patayin ng kua ko n nuon ay pulis...pero di nya ginawa...
Hanggang ngayon...pag naalala ko cya..nalulungkot ako...may ate sana ko...
1 comment:
:( nasad naman ako! seryoso.
Post a Comment