Showing posts with label experiences. Show all posts
Showing posts with label experiences. Show all posts

Sunday, October 11, 2009

ilocos getaway!

Ang advemture namin ni Gail sa Ilocos Sur at Norte for two days!


windmills





cape bojedor


dinakdakan (their specialty)

with kuya bong (our tricycle driver/tour guide/photographer)


welcome to pagudpud!


kabigan falls (na kung saan nasira yung tsinelas ko)



paoay church


ang pag ti trip sa kabinet


dinuguan pizza


Vigan Heritage



Saturday, February 7, 2009

HELIX TEAM!

Helix Team..tawag sa team namin with our beloved, very cool, understanding and super kulit na Team Leader na si Pao...

Blessed din kasi napunta kami ni Bianca sa mabait na TL...ang ang mga teamates namin uber kuleett...

3 months na puno ng tawanan with my teamates Kuku, Josh, Mapai, Atheana, Jade aka nguy-nguy, Jade C., Em, Hart, Ana, Z, Mami Vic, and Mami Aubrey...no dull moment kahit na minsan sakit kami sa ulo ni TL...

Last week kasabay ng formal announcement na i pu pull out na ang sprint sa E Tel at ililipat kami ng program..binalita din sa amin na malilipat na ang TL namin ng ibang program that also mean na magkakahiwa hiwalay na din kami as a team...

Sooo sad na di na namin nasagad yung mga araw na magkakasama kami...

At kanina nag GA kami sa Ally Bar...masaya ang lahat..nagtatawanan..and suddenly si Kuku na nakaupo lang sa isang tabi ay umiiyak na...

Naramdaman ko yung pain..pain of losing friends...burden ng pagpasok kasi wala na yung joy at reason ng pagpasok...yun din ang naramdaman ko...the reason I'm going to work was because of the friends that I have..team na masaya

Binalita din sa akin na malilipat na ko ng program...starting Monday AT&T na ko..maiiwan ko si Bianca sa bagong team...sana nga magkasama na din kami...almost 6 months na din kami magkasama mula pa nung training...

Hay the ups and downs of life...

Kailan kaya ako masasanay sa mga gantong pagbabago....

Friday, January 9, 2009

happy new year!

dumaan ang christmas and new year di man lang ako nakapag greet sa blog ko

wala kasi ako sa mood eh...kaw ba naman mag christmas and new year sa office as in eve pa..ma i inspire ka ba....



anyways...gusto ko lang balikan ang nagdaang 2008 ko.....



here it is....






ang buong KBI (Kingdom Builders Inc.) ay nagpunta ng Caliraya para sa Team Building...pero feeling ko hindi team building yun kasi walang games eh..hahahah..parang field trip lang...pero uber saya!



KBI is now ALLSECTECH...ayun dahil binili ang company namin ng Indian chorva...lumipat kami sa mas malaking opis sa Market Market (na di ko talaga nalibot hanggang sa umalis na ko dun)

roge goes blogging..March yun nung nag start ako mag blog...salamat sa mga impluwensya ko..kay Jamina at Tentay Patis...


"Under Promise, Over Deliver" - 1st year anniversary ng Web.com account..na yun na din pala ang last na celebration namin na magkakasama....wala ako sa picture kasi may call ako nyan..







napagsabay ko ang career at church activity ng 1 week at naka survive ng 1 week na 4hours lang ang tulog...take note..nagkasakit ako after..hehehe..pero aus lang nag enjoy naman ako sa Vacation Bible School at nagturo sa mga Sky Divers - Youth..until now pagnakikita nila ko..Captain pa din tawag nila sa ken...

my vacation ever...pumunta kami ng bestfriend ko sa BORACAY!!! weee....dream come true...


at naglibot sa Kalibo..nakapunta kami sa Bakhawan Eco Park at Sampaguita Garden...sulit na sulit ang 1 week vacation ko...


wala ako picture nung birthday ko..kasi nag birthday ako sa office at natulog lang...aus pa din kasi niregaluhan ako ni Sir Rey ng book at USB naman ni Eder...hehehehe



JULY--nawalan ako ng cellphone for the 2nd time...ayun...uber sad...


dahil sa pare pareho kaming lahat busy..after i think almost 1 year din..nakapag bonding din kaming magkakasama ng mga church barkada ko...


sa wakas...naging available din ako for our reunion...hahaha reunion with highschool barkada!!!


pagpasok ng August nagkaroon na kami ng malaking problema sa opis...na pull out ang account namin....at ililipat kami sa ibang account..isang sign na para ako ay mag move forward...
September 12 last day ko sa Allsec tech....huhuhuhu





ba bye station ko....



September 15....bagong office, bagong work, bagong friends


Shekinah goes malling...hahaha..nag enjoy ako sa malling na toh..kahit na sumakit ang paa ko at nauumay na ko sa MOA..





1st time ko na makasama sila...at madaming pang gimik na sumunod....


Kingdom Worship event sa church...kasama ko sa nag perform...hahahaha




the birth of the power rangers galing kasi ni anjoe...naisip nya yun...graduation sa training..certified agent na kami ng sprint....




sugod na sa Naic...after ng graduation..nagpunta kami sa beach...one of my most memorable experience with these guys...sobrang saya...


nagpunta ng EK (1st time ko din) di naman kami nanalo sa raffle *sad* tapos nabasa pa ko ng bonggang bongga sa 2nd time namin na rio grande..imagine that!





adix EB..mga friends ko sa pinoy exchange..na meet ko din in person...food galore at tambay sa Zirkoh kami...medyo naging KJ lang ako kasi may pasok ako eh...huhuhu





at nag house party kila bojie...




ang dami nangyari sa 2008 ko...masaya, challenging, may mga nakakalungkot at may mga nakaka kilig....

pero sa buong year na yan single ako..hahahahaha...


seriously speaking...medyo na mi miss ko na ang mga studyante ko, ang lesson plan, visual aid, mga co teachers, faculty room...pero di pa ko makabalik eh....


madami pa dapat ayusin...


kaya sa mga friends ko who stayed with me through thick and thin...at sa mga ka wave 78 ko....mahaba haba ba to.....pagtyagaan nyo muna ko...



HAPPY 2009!!!

Friday, November 28, 2008

sugod sa EK!



November 27..thanksgiving sa US..walang pasok kinabukasan...ang buong E Telecare ay pumunta ng Enchanted Kingdom!!!! Hahahaha...


As usual may mga KJ (wala nga daw pilitan eh kung ayaw sumama)...but still we enjoyed it! as in...lalo na ang company ng bawat isa...yun na lng kasi yung time para magsama-sama kami ulit kasi hi..hello...bye..na lang nagagawa namin pagnakikita kami sa floor (though laging ISPAM tayo sa outlook)


The best pa din yung nang yari sa akin na....



basang basa sa rio grande

Hahahahaha.....

Tuesday, November 18, 2008

tara na sa beeeaaaccchhh!

The much awaited getaway ng wave 78!!! As usual di na naman kumpleto..pero ayos lang kasi nag enjoy naman kaming lahat...

Sobrang layo ng Naic mula sa Shaw Blvd...halos bumuhos na lahat ng pawis naming lahat dahil sa layo ng byahe...pero sulit na sulit pagdating namin...kasi sobrang ok na ok ang place...

Lahat kami nag enjoy....

the pugita pose

ang ganda na sana kaso may nakapikit...

me and pao (si bunso)

me, bianca (drop the jaw) and anjoe

the girls....

the boys...????

After ng getaway...nag hiwa hiwalay na kami para umuwi...medyo nalungkot kasi kahit for 2 months ko lang sila nakasama sobrang close na kami sa isa't isa...nakakalungkot na papasok ako ng office na di ko na sila ganoon makakasama...ma mi miss ko ang pagkukulitan namin at pag ti trip sa isa't isa...


Guys!!! mauulit pa toh....


*Makapag set na nga ng date.....

Monday, November 3, 2008

the latest bonding moment

Monday around 5:30 in the morning...nag join ako sa bagong pinagkaka abalahan ni mami noi na sports...ang rowing...

Grabe..kahit na medyo mahirap lalo na ang mag sagwan ka ng 200 strokes...OMG yun..pero kinakaya namin...SUCCESS!

Sayang nga lang kasi iba sched namin sa office this week..kaya sa monday na lang ulit...

Kung gusto nyo mag join...just let me know....tara na!!!!






Friday, August 8, 2008

ang nangyari sa 08-08-08 ko

Sabi nila maganda daw ang kalalabasan ng araw na ito. Kasi nga naman
minsan lang sa isang milenyo maganap ang 08-08-2008.

At uubeeerrr di ko makakalimutan tong araw na toh...promis!

9:30 am-gumising ako ng maaga para tumwag sa SSS hotline para itanong yung tungkol sa SSS ko. Sabi nung nakausap ko pumunta daw ako ng SSS-Quezon City.

10:30-nasa SSS-Quezon City ako with full of Hope na makukuha ko na ang dapat kong makuha. Tinawag ang pangalan ko
"Rogelyn Miranda?!"
lumapit ako sa window. ang sabi nung officer in charge "Pumunta ka ng QC-Post Office"
sabay bigay sa akin ng kapirasong papel na may pirma nya at turo sa direction na nasa window nya kung papaano pumunta dun.

11:00-nag tricycle papuntang Post Office na medyo inaantok na. Hinanap ang window para sa SSS, binigay ang kapirasong papel na hawak ko. At makalipas ang 5 minuto tinawag na ang pangalan ko. Sabay abot ng papel na hawak hawak ko na may nakalagay: "Taguig Post Office"

Anak ng isang libong pating oh!
Bakit di naman agad sinabi sa akin...lumabas ako ng Post Office na nangingilid na ang mga luha.

Dahil sa gusto ko na din matapos ang paghihirap ko. Kahit hindi ko alam kung saan ang Taguig Post Office..na kahit na wala ko sense of direction..nag go na din ako. At dahil nga weakness ko ang direction, nag long distance ako sa bahay namin sa Cavite:

Tatay: heeeellllooooo???
Me: tay! Len toh...lam mo po ba yung papuntang Taguig Post Office?
Tatay: ano? di kita marinig
Me: alam mo po ba yung Taguig Post office!! (shouting, at nagmamadali..ang mahal kaya mag long distance...)
Tatay: di ko alam 'nak eh magtanong ka na lang
Me: oh sige, sige (sabay baba ng phone)

Pambihira! Buti na lang yung nasakyan kong jeep sa Rotonda mabait, at di nakulitan sa akin, kasi paulit ulit ako kung saan ako bababa, anong sasakyan ko ulit at ano ulit bababaan ko.

1:30 sa wakas nakarating din....papatawid na ko...tinamaan ng magaling....nabangga ako ng motor...at hanggang ngayon masakit yung left side ng balakang ko. Kala ko kasi wala masakit sa akin, kaya sabi ko dun sa nakabangga ok lng ako, kasi di naman ako napahiga nung nabangga nya ko.

1:30-3:00- pambihira, kailangan ko pala anatayin yung nag de-deliver ng mga sulat sa Global City at 3:00 pa ang balik nya. Buti na lang mabait yung supervisor nila, binigay sa akin yung number at i text ko daw (para text mate kami) para malaman nya na inaantay ko cya (ang bilis ng EB noh)

4:30-nakarating ako sa bahay, na kung saan si Edz ay mahimbing na natutulog, paggising nya nakita nya ko na umiiyak na...kaw ba naman...maranasan mo yung mga naranasan ko...

Monday, June 23, 2008

flooding of tears

this is the day



na nawala ang



cellphone ko.....


haaaayyyyy.....so saaad

Monday, May 26, 2008

eto pa..wala ng naka 2 piece




vandalism sa freedom wall......
pa cute sa bridge














I made it!!!!








senti sa airplaine....