Sabi nila maganda daw ang kalalabasan ng araw na ito. Kasi nga naman
minsan lang sa isang milenyo maganap ang 08-08-2008.
At uubeeerrr di ko makakalimutan tong araw na toh...promis!
9:30 am-gumising ako ng maaga para tumwag sa SSS hotline para itanong yung tungkol sa SSS ko. Sabi nung nakausap ko pumunta daw ako ng SSS-Quezon City.
10:30-nasa SSS-Quezon City ako with full of Hope na makukuha ko na ang dapat kong makuha. Tinawag ang pangalan ko
"Rogelyn Miranda?!"
lumapit ako sa window. ang sabi nung officer in charge "Pumunta ka ng QC-Post Office"
sabay bigay sa akin ng kapirasong papel na may pirma nya at turo sa direction na nasa window nya kung papaano pumunta dun.
11:00-nag tricycle papuntang Post Office na medyo inaantok na. Hinanap ang window para sa SSS, binigay ang kapirasong papel na hawak ko. At makalipas ang 5 minuto tinawag na ang pangalan ko. Sabay abot ng papel na hawak hawak ko na may nakalagay: "Taguig Post Office"
Anak ng isang libong pating oh!
Bakit di naman agad sinabi sa akin...lumabas ako ng Post Office na nangingilid na ang mga luha.
Dahil sa gusto ko na din matapos ang paghihirap ko. Kahit hindi ko alam kung saan ang Taguig Post Office..na kahit na wala ko sense of direction..nag go na din ako. At dahil nga weakness ko ang direction, nag long distance ako sa bahay namin sa Cavite:
Tatay: heeeellllooooo???
Me: tay! Len toh...lam mo po ba yung papuntang Taguig Post Office?
Tatay: ano? di kita marinig
Me: alam mo po ba yung Taguig Post office!! (shouting, at nagmamadali..ang mahal kaya mag long distance...)
Tatay: di ko alam 'nak eh magtanong ka na lang
Me: oh sige, sige (sabay baba ng phone)
Pambihira! Buti na lang yung nasakyan kong jeep sa Rotonda mabait, at di nakulitan sa akin, kasi paulit ulit ako kung saan ako bababa, anong sasakyan ko ulit at ano ulit bababaan ko.
1:30 sa wakas nakarating din....papatawid na ko...tinamaan ng magaling....nabangga ako ng motor...at hanggang ngayon masakit yung left side ng balakang ko. Kala ko kasi wala masakit sa akin, kaya sabi ko dun sa nakabangga ok lng ako, kasi di naman ako napahiga nung nabangga nya ko.
1:30-3:00- pambihira, kailangan ko pala anatayin yung nag de-deliver ng mga sulat sa Global City at 3:00 pa ang balik nya. Buti na lang mabait yung supervisor nila, binigay sa akin yung number at i text ko daw (para text mate kami) para malaman nya na inaantay ko cya (ang bilis ng EB noh)
4:30-nakarating ako sa bahay, na kung saan si Edz ay mahimbing na natutulog, paggising nya nakita nya ko na umiiyak na...kaw ba naman...maranasan mo yung mga naranasan ko...
15 comments:
ang swerete mo naman ngayong araw n toh!! aabangan ko ang 09-09-2009.. tinganan naten anung susunod na mangyayare.. ahihihih!!
fish tayu!!
uuubbbeerrr sa swerte...hahahaha
sa 09-09-09 ikakasal na ko...hahahaha
Teka roge, hindi naman Friday the 13th ah? Wawa ka naman. ano ginwa sayo ni Edz? eh yang si edz bad yan wag mo na frend yan. (sikret lang ha) kasi 99% hate ko paden sakanya.
Baka si edz may balat kasi roommate mo sha. hahahahahahhaha!!
wawa naman roge... =( hintayin mo nlng ang 12-12-12 don ka kakasal. hula ko yown. hehehehe!
si Edz...pinagmasdan ako umiyak...hehehe
ok nmn ako..buhay pa...nag iwan ng marka yung motor sa tagiliran ko..isang malaking pasa...pambihira...
anong kasalan? si roge kakasal sa 09.09.09, aabangan ko yan!!! ganon talaga Roge may araw na not so good, kanta ka dapat ng "bad day"!
abangan mo lang gurl...
panoodin mo sa youtube yung kasal ko ha....
or baka i post ko din yun dito...hahahaha
paalala lng kapag kinakasal dapat may groom, hehehe! peace!
ayy..kelangan pala yun?
naman...sana sinabi mo agad....
hehehehe
*roge now looking for her broom....este groom pala*
kung broom ang hanap mo, marami kami sa bahay, pili ka lng...heheheh!
panalo hirit mo seatmate!! voodoo ka talga!! hahahaha palaban ka na! weeeee
naku rizza....yan ba natututunan mo ha...hehehehe
kakalusin na kita....(word na natutunan ko sa blog ni jham...educational na din pala yung blog nya kahit pano may natututunan ako..hehehehe)
bitch in training pa lang ako seatmate....si roge yung pinagpprapractisan ko...heheheh! ano ba yung kakalusin? nde ko nabasa sa blog ni jham yun, yun ba yung pag kumakapal na yung balat sa palad?
oo tapos tatanggalin sa pamamagitan ng scalpel....hanggang sa magdugo ang balat mo...
*bat parang ang morbid ko*
sige pag praktisan mo lang ako...gusto mo ng away ha!..hehehe
hindi halatang science techer ka! ayaw mo nun special ka, pagbigyan mo na ako...kaw din mamimiss mo ko
halata ba...sana nuon ko pa natutunan yung word na "kakalusin"
para nagamit ko sa mga students ko..hahahaha
Post a Comment