Thursday, March 27, 2008

balikan ang nakaraan

some experience nung nagtuturo pa ko...nakakatawa toh..sa ken ha...hehehe

sa classroom ng grade 3

may activity kami sa room *nakalimutan ko na anung kalokohan yung pinagawa ko nun* pinadala ko sila ng manila paper

nagkakagulo na nag lahat dahil sa manila paper...

umepal ang teacher *ako yun* sabi ko "bakit?? anung problema sa manila paper? pwd nyo naman putulin na lang sa dalawa?

tumahimik lahat..si teacher nagtaka??? napatingin sa lahat ng nakarinig sa sinabi ko *naisip ko??? anong meron???*

nag react ang isang student na "teacher...baka punitin hindi putulin..."

save na sana ko sa kahihiyan....kaso nag react ang isang student na gusto ko ng ibaon sa lupa...."waaah si teacher..mali yung tagalog..di nmn pinuputol yung papel eh"..at nagtawanan na lahat...at sana naglaho na lang ako bigla *pooofff*

sarap kaltukan ng batang yun noh...

sa classroom nmn ng grade 4

habang bigay na bigay ako sa pagtuturo *nakalimutan ko ulit anu yun tinuturo ko nun* may batang biglang umiyak...xempre as concerned teacher tatanungin mo kung bakit naiyak..."why are u crying?" sabi ng student "kasi po forward po sila ng forward ng upuan"..nag react ang isa "masikip po kasi dito sa likod"..nakita ko na may enough space pa...nag explain ako...aba ayaw magpatalo sa ken...nainis na ko...kasi kasalukuyang naghahabol ng lesson at ayoko ng kaguluhan...nasa high level na ko ng inis..."di nyo ba nakikita..may humps dito..galaw kau ng galaw!"
at may batang umepal at kumanta..."my humps..my humps...my humps my humps my humps"...
nawala sa poise ang lola...tumalikod at natawa...

sa mga classroom ng grade 5dahil mas maloko sila sa ken...wala ko masyado matandaan na nakakatawa...kahit na halos sa kanila ko mas nag eenjoy magturo...miss ko na yung J brothers na tawagin ko sa Grade 5-Malachi *kasi yung 4 na makukulit lahat sila start ng name ay J*...miss ko na yung mga love team sa grade 5-Abraham at ang magandang discussion namen na kahit yung iba napipilipit na yung dila sa English *bawal mag tagalog Science subject ko EOP kami eh* sosyal!...miss ko na ang mga matatangkad pa sa ken na mga students ko sa Grade 5-Leviticus..at kahit na di ko handle yung Grade 5-Solomon (lahat sila naging student ko nung Grade 4 sila) miss ko yung mga makukulit kong students at yung triplets ko kung tawagin *tawag nila sa ken Mommy Roge*


marami rami pa sana..kaso may memory gap ako eh..hahahaha

No comments: