Monday, April 28, 2008

Vacation Bible School




Yehey!!! at last! After 3 years our church held again the Vacation Bible School. Kahit na may work ako sa gabi, I still volunteered my self to participate in God's work...once in a life time to...ika nga nila...hanggat kaya..go lang ng go!


This years Theme:






Day1- meet the Sky Divers (Youth ages 13-17)

Syempre 1st day medyo nahihiya pa sila. At kailangan kong magpa ka hyper...masaya...as in super saya..iba talaga ang joy na nabibigay sa akin ng pagtuturo.

Si Matt muna ang nagturo...ayos naman...ako ang nag wrap up ng lesson at si Rot-Rot ang nang Memory verse. Hanep sa team...cooperation talaga....hehehehe..pag pagod na ang isa..to the rescue ang isa....buti nmn at di na bored ang mga bata.

Nakakatuwa sila tignan habang nakikinig ng story....

Day 2 - ang mga Youth na Late

8am na...i thought 2 lang ang studyante namin na pumasok...I'm starting to think na ano na nag gagawin ko sa 2 pumasok..i didissolve na ba namin toh? isasali sa Children 2...or will trust sa Lord na babalik ang mga studyante namin kahapon.....

8:10...dumagsa ang nga boys...pati yung mga girls...sabi ko sa kanila..nalulungkot na ko kasi di ko pa sila nakikita..nagsunduan pa pala...

Natuwa nmn ako na makita ko na halos half sa klase may dalang Bible...syempre dahil may assigment sila...may prize ako na inihanda...hehehehe

Ako ang nag story..binuhos ang natitirang lakas...nakipag kumpetensya sa ingay ng music class...happy and blessed..kasi may natutunan sila sa kwento ko...at nagpa participate sila...hehehehe

Kahit medyo inaantok ako...masaya pa din....

Day 3- Nagalit ang Captain...ako yun

Unti-unti ng nauubos ang natitirang energy ko dahil na din sa kakulangan ng tulog..parang ala survivor ang pagsali ko sa VBS..hehehehe..pero masaya pa din...yun nga lang medyo hunina takbo ng utak ko at di ko na anaylze yung jumbled letters...tinutukso tuloy ako ni Rodel.

Unti-unti na din nagpapakitang gilas ang mga Sky Divers...nagpapakita ng kakulitan....at unti unti na din nauubos ang pasensya ko...dahil na din sa init at kulang sa tulog...

At sa di inaasahang pagkakataon...napagsabihan ko sila na di na sila nakakatuwa...in the end tumino at nagpaka seryoso...cguro nga talagang may mga isip na yung mga batang yun at akala nila kaya nila ko dahil sa mas malaki sila sa akin...

Umuwi ako ng maaga kasi talagang inaantok na ko..di na ko nag lunch...at habang tinatype ko to...kumukulo na ang tyan ko kasi di pa ko nakain.

Day 4 - natutong wag mag Rebelde

Si Matt ulit ang nag Word time...absent si Rot -Rot..may sakit daw..ayos pa din kasi kayang kaya..naging responsible na ang Matt..na less ang pagpapasaway at pagpapa cute sa gelplen..ahihihi

Rebellion..yun yung story namin ngayon. May mga nag layas na pala sa mga batang yun dahil sa pagrerebelde sa mga magulang. I pray na natutunon nila na ask for the wisdom and understanding of the Lord.

Day 5 - Welcome Jesus into my Life

Weeeee.....!!!!!! ang saya saya! Last day, introduction of Jesus to the life of the Sky Divers. Nag confess ng mga kalokohan na ginagawa nila...hehehehe.

Naubos ang energy ko...ako ang nag word time eh. Ayos nmn kasi nakakatuwa din yung talents na pinakita nila nung pinagawa namin sila ng rap composition about sa mga natutunan nila for the past 4 days.

Sayang lang di ako naka attend ng practice nila nung hapon for their presenation sa Sunday. Di na kaya ng powers ko mag stay hanggang 2pm at kailangan ko pang matulog.

Thursday, April 24, 2008

natuwa ako dito.....

mula sa malikhaing isip ni Jamina Lorenza Paqcuiao....





JEFF - the irate agent
JHAM - jhaaaaammm
SHERWIN - Agent Rakista
IAN - chickboy
STAN - Mr. Suave
EIFFEL - April?Eisfel?
TENTAY - Ms. QA
MIA - The early bird
GRACEE - Ms. Bullet
LAWRENCE - Woi
EDEN - Soprano Star
GRACIA - wala akong maisip sorry!
RIZZA - That's R-I-Z-Z-A
ANNE - Apol Pie
SUNDAY - Brenda
THERESA - Ms. Top Agent
ROGE - The crying Agent
CINDY - Hot Momma
EDER - The negosyante (brownies? anyone?) :)
JENNY - Baby girl
MACE - Wafu
SIR JR - kalbo
SIR REY - Steroid boy
KLING - Buntis
MARVIN - Buntis den?
JM - Manong Break!
NADJ - Ms. RA

hahahahaha.....saya!


ang ganda...ng likod ---------- with r-i-z-z-a


--- ladies in the round table.... ---
---with Anne--- ---with Eder---

Happy Anniverysary!

Today we celebrated the 1st year anniversary ng

weeeee...masaya kahit na nakakabit ang headset sa tenga ko at nag aantay ng call...*buti na lang walang pumasok na call*...at kahit na wala ko nakuha sa raffle....*sayang yung tumbler ng starbucks*..ayus pa din

almost 1 year na dina ko sa account na toh...been thru a lot of ups and downs..mukhang ako na nga ata pinaka maraming nailabas na luha dito sa account na to...hehehehe

thank you sa mga co-agents...friends...karamay...ka kulitan...ka kwentuhan...mga support..mga bossing..mga supervisors...at mga customers..mapa happy customer and irrate customers...

more years to come!!! yahoo!!!

salamat sa free meal! *sarap ng salad* *salad addik ako eh* hahahaha...

**burp**.....




memories......



<---- haloween party....kung saan nagpanggap kami na nakakatakot..pero sa totoo lang..nakakatawa....

caliraya invasion ------->


<---my 1st Christmas part sa KBI now Allsec Tech





1st time ko sa Tagaytay--->
thanks to Eiffel!

more memories to come!!!

Thursday, April 17, 2008

me and my best friend

after 1 month nag karoon din kami ng chance again na mag bonding...we usually do it pag di kami busy..per dahil busi busihan these past few weeks dahil sa kanyang artista career at ako sa pag career sa pagtulog..hehehe and medyo gipit din..ayun na miss namin yung girl bonding namen...

Sheila Mae...Che-Che as i fondly call her since we were kids...classmate ko cya nung kinder...(di kasi ako tinggap na mag grade 1 nung 6 yrs old ako kaya binalik ako sa kinder..kulang na nga daw sa edad ang liit ko pa). Kinder pa lang kahit magka iba kami ng group color naging close pa rin kami..maybe because my mom and her mom were friends...

nung lumipat na sila sa Fairview matagal bago kami nagkita ulit...to my surprised she still value me pa pala as her bestfriend with a letter na mag join daw kami ng VBS...pero dahil may sarili akong mundo at di ko masyado masakyan yung trip nya..hinayaan ko cya mag join ng ibang group...pero ang loka...di nakatiis..miss na nya daw ako...and yun dun na lalong nag deep yung friendship namen...

That is why kahit na every Sunday lang kami nagkikita...updated pa din kasi yung letters namin sa isa't isa ala diary..parang ganito:
Mon- Gie nakita ko si crush sa school *kilig kilig*....etc..etc..etc
Tue- CE (close encounter) sa crush ko (with matching diagram pa kung san sila nakaupo)
Wed- pumunta ko sa SM at chorva chorva....
Thur-nag review ako kasi may exam ako.....
Fri-nag basketball ako kanina and nakita ko ni crush.....
Sat- eto sa bahay lang....
--at kung anu ano pa na umaabot sa 3 pages at back to back pa...hehehehe

Its been almost 19 years of friendship and going strong...as we go on to our lives di pa din namin inetsapwera and isa't isa...

Masasabi ko na I'm so blessed to have her as my bestfriend..kasi kapag may topak ako...di nya pinapatulan yung pagka topak ko...instead understands me...and love me more...

We've been a lot of ups and downs and I thank God that we surpass it all (nakks parang mag syota lang eh noh)

I'm looking forward to have this friendship hanggang sa may mga apo na kami..at malagay kami sa Guiness book of World Records..ang pinaka matagal na mag bestfriend sa balat ng lupa..hehehehe

Love you che!

to sum up my day....

nakakalungkot lang...

just i thought i'm starting how to live...thats the day i'm starting how to die

whew....san ko nakuha n nmn yan

Wednesday, April 16, 2008

Pinoy Exchange

Salamat sa mga friends ko sa PEx

because of them..nabubuhay ang gabi ko

thanks kay thei, eeyan, gab, mommy bing, mommy ulay, trixx, cy, jj and carlos

thank you sa pag tya tyaga sa kakulitan ko....

love ko kayong lahat!!!!

Tuesday, April 15, 2008

ganda ng blog ko noh....

ganda ng blog ko noh....parang sobrang pinag hirapan ko noh...

hahahaha...kala nyo lang yun...

may nirentahan akong tech support na pwede na pumuntang Baguio at tulungan ang mga tga tech support ng web.com dun...

Jamina!!!! salamat!!!


hmmmm..ano pa ba???

Love...

ayon sa aking nahagap na balita...may na mo mroblema daw sa love...haaayy...love..love..love..makes the world round and round

haaayyy...bakit nga ba kailangan natin magmahal? somehow it gives us the feeling that we are beautiful...we are human...we have emotions...we are loved...it gives us a different power..parang kaya mong tumira sa isang magical world in where everything is colorful, masaya, exciting, thrilling...parang you have butterflies in your stomach

minsan...feeling mo nmn its dooms day...namamagang mata...lq's dito at doon...teary eyed...tampuhan..sigawan at kulang na lang magsabunutan...

thats what love is...feeling mo you're in a roller coaster ride...you will feel the most out of it...
kaya pag ako ma i inlove 'ulit' di ko na gagawin ulit (sana) yung mga mistakes ko noon....wanna know what it is??? pagiging isip bata...demanding....super kulit...

yan ang isa sa mga reason ng away..i demand TIME...kahit once a week...yun nga lang kasi mahilig akong magpumilit sa isang bagay na alam kong imposibleng mangyari (tama ba nmn kasi na ipilit na magkita in a specific date eh may meeting cya..hehehe)

pero the greatest thing that I did for love was....giving all my love..na halos wala ng natira sa akin...kaya when the time me and my ex broke up..until now...I can't still get over him...kahit na may gf na cya...gusto ko cyang puntahan sa kanila at lumuhod at sabihin.."pls come back tome" pero alam ko malabo na yun mangyari...

I promise my self..the next time I fall in love again....I won't let them hurt me..I will be more stronger...wiser..but still more loving, patient, understanding, charming ang beautiful (kasama ba yun dun? hahahaha)
for 2 years of being single...I'm still trying to make my self whole...getting ready for the one that God destined me to have and hold...the one who i can share my love story...the one who will read all my love letters for the past 5 years of my life..in where I wrote all my thoughts during my so called "rainy days"..kailan nya kaya yun mababasa?

masaya akong nakakakita ng mga lovers sa paligid and hearing their story makes me kilig...but in a way also makes me feel sad and kindda inggit na sana ako din may kinukwento sa kanila something to make them kilig din...
well....malapit na sana cya dumating... haaaaayyyy

Wednesday, April 9, 2008

buhay buhay parang life

kahapon...tinanong ako ni jham...."wala ka bang bago sa blog mo?" sabi ko "wala pa eh"..cguro di lang ako inspired for the past few days...ganito talaga ko...may times na parang ang dami daming thoughts na tumatakbo sa utak ko at pag sinipag naisusulat ko agad yung mga letra na yun sa utak ko hanggang sa makabuo ng mga words and then sentences tapos paragraphs na..mamamalayan ko na lang..para na cyang libro!

missing my teaching days....

this past few days..naiisip ko...masaya pa ba ko? pinipilit kong sagutin yun ng "Oo! masaya ko.." (with a fake smile..trying to convince my self na masaya nga ako) cguro napapagod lang sa takbo ng buhay...namimiss ko na yung joy nung nagtuturo pa ko...iba kasi yung feeling pag mga bata yung kasama ko at naibibigay ko sa kanila lahat ng knowledge na alam ko...hindi ako selffish na teacher...bsta may bago...go! minsan wala yun sa topic..sinisingit ko na lang...sa ngayon di ko na alam yung ibang informations about sa tinuturo ko before...na mimiss ko na yung mga studyante ko...na mimiss ko na ang lesson plan...namimiss ko na ang school...na mimiss ko na ang mga co-teachers ko..na mimiss ko na ang maingay na faculty room...haaayyy....


being a call center agent...
nung time na sobrang na fu frustrate ako sa sweldo ko sa pagiging "unsung hero" naisip ko kailangan ko muna mag shift ng career...inspired ng isang co-teacher na nag call center din...I tried it...succeeded..kahit na wala kong alam kung ano ba talaga gagawin kapag call center agent ka...surpass the training...passed the phone certification....and fighting the urge to sleep during the shift...haaaayy...masaya nmn...*weeehh pilit*...hindi nga...masaya talaga *pinilit ulit ang sarili* madami akong nakilala...iba ibang attitudes...madaming natutunan...madaming words na nalaman....katulad ng "witchkles" c/o Cindy and Tere..."baklang toh" c/o Racquel..."addik" di ko lam kanino ko yan nakuha..halos lahat sila nagsasalita nyan...muntik ko na din madala sa church ang mga salitang yan...hehehehe...natuto akong maging matatag...at natutunong magpakatatag..salamat sa mga nagtuturo nyan sa ken...though iyakin pa din...but still figting every time i stumble and fall...


ako at ang aking station....

eto ako ngayon...di ko namalayan pangatlong paragraph ko na toh...tinititignan kung ano pa ang pwedeng idagdag..tinititigan ko ang maliit kong alagang stuffed toy na aso na nagngangalang duggi (na ilang beses ng pinag tripan ni Eiffel..inuwi ko na din si bunni kasi binitin nya patiwarik eh..kakawa nmn)..napasilip sa avaya baka biglang magka call ng di namamalayan...ayan na nga..*take call muna* tapos na...ganun lang yun...madalas pag break ko dito lang naka upo..nag iisip...nakikipag chikahan...

si future bf....
waaahhh...well...san na kaya cya..di kaya naligaw na si prince charming ko..di nya kasi alam kung san ako mahagilap...hmmm...sana nmn this year matagpuan ko na cya...25 na ko sa May noh...at gusto ko ng magka asawa at the age of 28...di toh biro ah...hehehehe...well...kung mabasa man nya toh...sana ma touch cya na inaantay ko cya...magpakita ka na!!! now na!!! hehehehe

Thursday, April 3, 2008

kilala nyo ba si Lorminia?

Lorminia V. Miranda also called "baby" by my mom and dad....

Ate baby as I always call her at ako pa ang bunso sa Miranda family...yes..may ate ako..dati..naalala ko ulit siya kanina kaya siguro di rin ako nakatulog...

Wala ko masyado memories from her kasi nga bata pako nun..and lumaki sya sa province...sa Pangasinan. We were too young nung naghiwalay kami..di kasi kaya ng parents ko palakihin ang 6 na anak
(kahit na malayo ang mga agwat naming magkakapatid). Napilitan sila dalhin ang ate ko sa bae ko (lola sa panggalatok). Pag bakasyon or may time sila para dumalaw sa manila...ilang araw lang sila nag stay sa bahay...kaya bilang yung mga girl moments naming magkapatid.

I was 4 years old then...ng ma experience namin sa family ang pinaka tragic na pangyayari sa buhay naming lahat..at the early age di ko naiintindihan yung nangyayari..pero ngayon nasasaktan pa din ako pag naaalala ko yung time na yun...

One regular day para sa amin sa bahay...may biglang dumating na kamag anak which is very unusual..di kasi kami dalawin ng mga kamag anak sa probinsya...my tito told us that we need to go to Pangasinan..as in all of us...my mom having a very strong mother instinct asked
"bakit nmn kailangan lahat pa kami uuwi? ano ba nangyari?" sabi ng tito ko may sakit daw si ate...still my mom confused..ayaw maniwala at nag start ng umiyak.. "ano sabihin mo na anong nangyari? may masama bang nangyari sa anak ko?".. sinabi ng tito ko na patay na nga daw ang ate ko..ayaw sabihin ang dahilan..di daw niya alam kaya kailangan daw umuwi na kami sa Pangasinan...

Gabing gabi na nang nakarating kami dun...as a kid..
*inosente pa ko nun* ..nagtataka ako bat ang daming tao sa bahay ng lola ko..ayaw sabihin ng nanay ko sa akin kung bakit...pagdungaw ko sa loob ng bahay..nakita ko yung ate ko..may tinusok na parang injection tapos kinuha yung mga natitira nyang likido sa katawan...(uso dun yung embalsamador ang napunta sa bahay) at pagsilip ko ulit..binibihisan na sya ng damit...nagtanong ako ulit kung alam ba ng ate na nandito kaming lahat para dalawin cya..iyak lang ang nasagot ng nanay ko.

Nakita ko na lang cya na nasa puting coffin na...bilang musmos...pinipilit ko syang gisingin
"ate, ate, andito na ko...gising ka na..laro na tau..." inaalog ko yung lugar kung san cya nakalagay...niyakap ako ng nanay ko at umiyak ng umiyak.."nanay bat ayaw gumising ni ate, galit ba cya sa akin?" "hindi na cya gigising anak" ang nasagot ng nanay ko sabay yakap sa akin.

Siguro mga 11 years old na ko nung naintindihan ko yung buong kwento ng nangyari sa ate ko. Isang hapon sa probinsya..di pa uso ang kalan..kahoy ang ginagamit na pangluto at 3 o 4 pa lng ng hapon kung magluto ng hapunan. Inutusan ng lola ko ang ate ko na kumuha ng panggatong sa katapat ng maliit ng gubat malapit sa bahay nila. Walang nakapansin na isa sa mga malayong kamag anak namin (na isa daw addik) ang sumunod sa ate ko sa gubat na yun...

Nakita nila ang ate ko sa isang maliit na kanal nakabalot sa plastik
(naiiyak na ko sa kwento ko) may butas ang ulo gaw ng 3 beses na pagpukpok ng bato dito, may laman na butil ng mga bayabas sa bibig...wala ng buhay. Oo na rape ang ate ko..sabi sa autopsy pinatay muna bago gawin ang masamang bagay na yun.

Nakulong ang may sala...sana nga daw masilya elektrika cya..kaso panahon ni Cory Aquino yun..tinanggal na nag death penalty, gusto ubusin ng mga magulang ko ang natitra naming ipon para ma silya elektrika cya..pero di n namin ginawa. kaso paglipas ng mahigit 10 taon na parole cya..mabait daw sa kulungan...gusto cya ipapatay ng nanay ko sa sakit na nararamdaman niya..pero natakot cya...gusto cya patayin ng kua ko n nuon ay pulis...pero di nya ginawa...

Hanggang ngayon...pag naalala ko cya..nalulungkot ako...may ate sana ko...

Wednesday, April 2, 2008

sino nga ba si rogelyn???

gusto ko lang ilagay profile ko...blog ko nmn toh diba???

Full Name: Rogelyn Vestido Miranda
Nick Name: Roge for all of my friends, Gie sa best friend ko, Len sa bahay
B-day: May 29, 1983
Civil status: single and looking
Schools:
Elem: Elementary: Apelo Cruz Elem School
HS: Pasay City East High School
College: Philippine Normal University
Course: Elementary Education concentrated in Science
Hobbies: meron pa bako neto....hahahaha...tulog..sleep...dozzle...writing (though very rare ko na talaga toh nagagawa) mag PEx...reading
t.v. programs: kung ano na lng maabutan ko sa TV..usually tulog kasi ako...
Cartoon char: Sponge Bob and Dexter
Colors: Blue and black
Books: Joshua Harris' Books and Bob Ongs' books, Tuesdays with Morris and Five People you meet in Heaven
Expressions: pambihira....bweeseeettt
Movies: My Sassy Girl, Wind Struck, A Walk to Remeber, I am Sam, Saving Private Ryan, Forrest Gump, Cinderella 3, Monster Inc
Motto: patience is a virtue...hahahaha
and: I am a wonderful creation of God..that is why I am beautiful.... *bawal kumontra*
contact info: friendster.com/rogekyut