Showing posts with label work. Show all posts
Showing posts with label work. Show all posts

Monday, July 11, 2011

bye stream

Noong Hulyo 6 ang naging huling araw ko sa Stream. For 2 yrs and 10 months ito ang bumuhay sa akin. Nag train paano maging magaling na ahente at madami akong natutunan sa pag stay dito.

Nagpapasalamat ako sa mga tao na nakahalubilo ko, nakabiruan, nakatawanan, naka kantsawan at napag share-an ng kung anu anong lang.

Salamat sa naging TL ko sa Sprint na kahit 3 months lang yun sobrang na enjoy ang Team Helix. Salamat ng madami kay TL Errol Villanueava na nagturo sa akin ng madaming bagay at nalaman ko na kahit may tatoo emo pa din..maraming maraming salamat sa yo. TL Jojo San Pedro na cool na TL at sa kanya ko na experience ang First Team Outing (at dahil dun nawalan ako ng tsinelas..hahaha) At syempre kay TL Shielvy Tan na nag tyaga sa akin ng mahigit isang taon na sumalo sa lahat ng kalokohan ko, nag ayos ng mga kapalpakan ko at nag tyaga sa mga katigasan ng ulo ko. Hindi ko man nasabi sa kanya gusto ko mag sorry sa kanya hindi ko natapatan yung mga expectation niya sa akin. Sobrang thank you sa lahat.

Sa lahat ng mga naging team mates ko hindi ko kayo makakalimutan...wala kayong katulad :D

Team Shielvy kaya niyo yan saluhin niyo yung queue! hahaha!

Kay Boss Jay...mukha ka man suplado sa umpisa pero the best shift manager ka! Miss na kita boyplen!

Salamat sa lahat ng memories :D

Thursday, August 28, 2008

magiging ala-ala na nga lng ba?


Yesterday, bago mag end ang shift ko
pinatanggal lahat ng gamit sa lahat working stations dito sa office..
Buti na lang at nakuhaan ko muna ng picture
ang station ko kasama ang mga abubot ko...
Imagine nyo na lang yung station ko na
wala yung mga abubot na yan...
yun ang itsura ng station ko ngayon...



Friday, August 22, 2008

my so called "family"
























The family that I have for 1 year and 3 months to KBI/Alllsec Tech (moving forward). I lerned a lot from you guys....this is not a farewell yet..just a THANK YOU!!!

Thursday, August 21, 2008

A Very Good Laugh


At last nakarinig ulit ako ng mga halakhak sa paligid after 1-2 weeks ng nakakabinging katahimikan. Natutuwa lang ako at medyo na le-less ang tension sa paligid (na le less nga ba?) Pero para sa akin...ang sarap ng feeling na nakatawa ulit tayo ng malakas....salamat sa blog nila cindy and tere...











Tuesday, August 5, 2008

ang baso....bow!


dahil daw sa limited edition ang baso na toh
isinama ko sya sa must have ko nang araw ng sabado...



greicia (na crush ng crush ko), edz (na naka lavander)
rizza (na ang bi-ep ay na sa ibang bansa) at si jen (na isang ina)
*teka...bat wala ko dito?*




at dahil wala ko sa picture na nasa itaas...
nagsolo ako.....at si roge (na crush ang may crush kay greicia)
hahahaha




hulaan nyo kung sino toh....





bonding moment with edz, greicia, rizza and jen.
Matapos ang 5 days ng puro work syempre kailangan din
makipag bonding sa sa ka trabaho...I enjoyed the 1-2 hours
bonding with these peeps...



next stop.....BIKING naman!!!!


abangan.....

Saturday, August 2, 2008

Wanted....dead or alive



Kung nakita nyo po ang mga tao na nasa larawa
ipag bigay alam lang po sa kinauukulan

tumawag sa 711-1111
kinakailangan pong mahanap sila sa lalong madaling panahon

lolzzzz.......peace rizza, tentay and jham!
labs you!

Friday, July 11, 2008

ang malikhaing pag iisip ni Mia

Dahil siguro walang magawa si mia
ayun..pinag katuwaan ang mga pictures namin

gusto mo makita eto oh click nyo to web.com agents

hanapin nyo ko....

enjoy viewing!!!

Thursday, July 10, 2008

anong kaguluhan toh???

may bagong pinagkaka abalahan
ang mga tao dito sa aming munting opisana
para patayin ang kabagutan

para makita ang pinagkaka abalahan namin....click here

wish ko lang manalo ako ng GC!!!!

Saturday, May 24, 2008

bored....

sobrang bored na ko...


ang tagal ng oras

natatamad na ko........MySmileyz.com - 1000s of Free Smileys

gusto ko ng matulog MySmileyz.com - 1000s of Free Smileys

Thursday, May 1, 2008

ZZzzzzz.....

waaaahhhh

inaantok ako....1 week na akong lagi 5 hours ang tulog. Aus pa din...medyo na less lang ang pagsasalita..nauubos ang energy ko pag dumadaldal ako...nakikitawa na lang sa mga kwento nila Cindy at Tere....

Sa Monday..back to normal ulit ang buhay...last day ng VBS bukas...

Thursday, April 24, 2008

natuwa ako dito.....

mula sa malikhaing isip ni Jamina Lorenza Paqcuiao....





JEFF - the irate agent
JHAM - jhaaaaammm
SHERWIN - Agent Rakista
IAN - chickboy
STAN - Mr. Suave
EIFFEL - April?Eisfel?
TENTAY - Ms. QA
MIA - The early bird
GRACEE - Ms. Bullet
LAWRENCE - Woi
EDEN - Soprano Star
GRACIA - wala akong maisip sorry!
RIZZA - That's R-I-Z-Z-A
ANNE - Apol Pie
SUNDAY - Brenda
THERESA - Ms. Top Agent
ROGE - The crying Agent
CINDY - Hot Momma
EDER - The negosyante (brownies? anyone?) :)
JENNY - Baby girl
MACE - Wafu
SIR JR - kalbo
SIR REY - Steroid boy
KLING - Buntis
MARVIN - Buntis den?
JM - Manong Break!
NADJ - Ms. RA

hahahahaha.....saya!


ang ganda...ng likod ---------- with r-i-z-z-a


--- ladies in the round table.... ---
---with Anne--- ---with Eder---

Happy Anniverysary!

Today we celebrated the 1st year anniversary ng

weeeee...masaya kahit na nakakabit ang headset sa tenga ko at nag aantay ng call...*buti na lang walang pumasok na call*...at kahit na wala ko nakuha sa raffle....*sayang yung tumbler ng starbucks*..ayus pa din

almost 1 year na dina ko sa account na toh...been thru a lot of ups and downs..mukhang ako na nga ata pinaka maraming nailabas na luha dito sa account na to...hehehehe

thank you sa mga co-agents...friends...karamay...ka kulitan...ka kwentuhan...mga support..mga bossing..mga supervisors...at mga customers..mapa happy customer and irrate customers...

more years to come!!! yahoo!!!

salamat sa free meal! *sarap ng salad* *salad addik ako eh* hahahaha...

**burp**.....




memories......



<---- haloween party....kung saan nagpanggap kami na nakakatakot..pero sa totoo lang..nakakatawa....

caliraya invasion ------->


<---my 1st Christmas part sa KBI now Allsec Tech





1st time ko sa Tagaytay--->
thanks to Eiffel!

more memories to come!!!

Friday, March 28, 2008

masama ba mag pa sup call???

sup call--call center term...customer na nag a ask ng supervisor call

usually...minsan yung mga customer na gusto ng second opinion from the supervisor..yung tipong kahit na explain mo na lahat at halos ma drain na dugo at laway mo to explain what happened on their account at ayaw pa rin maniwala seo..ayun sa huli sup call

minsan problema sa agent na nagpapaliwanag...gulo kasi minsan..at mahirap i explain hanggang sa point na the customer rather wants to speak with a supervisor kesa seo kasi umiikot ikot lang ang usapan

minsan epal lang talaga yung customer...wala lang..gusto nya lang cguro magpapansin sa supervisor (hehehehe...opinyon ko lang yun..masama ba??)

isang katanungan lagi sa isip ko..masama ba mag pa sup call??? minsan kasi ayaw i-take..cguro kasi busy sila...madami iniisip...tiwala sa agent na malulusutan ang gusot na minsan gawa niya..minsan kailangan lang talaga...dahil para ka ng daga na malapit ng lapain ng dragon na kausap mo na bumubuga ng apoy...

mahirap isipin...masama ba mag pa sup call??? di ko din alam....

dahil sa mga pangyayaring ganito...minsan naisip ko...mahina lang ba talaga ko...may problema ba sa akin? at kung anu ano pa...

masama ba tong ginawa ko??? siguro hindi....gusto ko lang magsulat...wala naman masama dun diba????